Total Pageviews

Like us on Facebook

Tuesday, September 27, 2016

MJ Reyes shares tragic story. Who has vested interest in killing pushers, police or drug lords? ~Share


This true story was shared by Netizen MJ Quiambao Reyes.

The HARSH REALITY

by MJ Quiambao Reyes

*********

ME
Jr., musta naman dyan sa lugar nyo? May mga bumubulagta rin bang mga pushers?

JR
Yung isang kapitbahay at kababata ko na 'nagtutulak', nagpakamatay.

ME
Sigurado ka na suicide? Wala bang foul play? Baka naman may tumumba sa kanya.

JR
100% suicide.

ME
But why did he resort to killing himself?

JR
Sinabihan na kasi sya na nasa listahan at tinawagan din sya ng supplier nya na wag na wag magsasalita. Alam nya pag nag surrender sya, siguradong hihingan sya ng impormasyon ng mga pulis at baranggay.

Pag di sya nakipag kooperasyon sa pulis, baka pag initan sya ng mga ito. Pag naman nagsalita sya, tiyak niyang babalikan sya ng supplier. Natakot siyang madamay pa ang pamilya nya o di kaya malagay mga anak nya sa kahihiyan pag nakita na lang siya sa daan na may cardboard at malaman nilang pusher ang tatay nila.

Kaya hayun, pinag-shopping nya mag-ina nya, sabay nagbigti pag alis nila.

ME
Kawawa naman ang iniwan niyang pamilya. On one hand, maige na rin siguro ginawa niya para naiiwas nya ang mga anak niya sa kapahamakan in case balikan nga siya at itumba ng supplier nya or vigilante (if any).

Though it would have been a better option sana if lumayo na lang at nag relocate sila ng pamilya nya and nagbagong buhay somewhere.

JR
Na-suggest ko rin yan sa kanya nung nag inuman kami bago pa sya nagpakamatay. Pero 'easier said than done' kasi yung ganyang option na basta magbago na lang at tumigil lalo na for those long-time shabu users & pushers. Alam niya yun na hindi nya kakayanin--yung withdrawal symptoms sabay kung paano pa niya bubuhayin pamilya nya kung titigil sya sa paglalako ng drugs. Kaya mas minabuti na niyang mag-suicide to put an end sa mali nyang gawain and at the same time spare his family from shame and maiwasang madamay pa sila.

Napabuntung-hininga na lamang ako... Ambigat sa dibdib...

Haaaay... Bakit ba maraming nasadlak sa ganitong sitwasyon?
***

Please share your thoughts by leaving a comment.

No comments:

Post a Comment