![]() |
CT: unknown graphic artist for this visual |
~~~~~~~~
Para po sa kaalaman ng ilan nating mga kababayan na ang puso at utak ay napunta sa talampakan at nagsasabing ang pagsabog na ito ay kagagawan ng gobyerno:
Sa tingin nyo po ba ay kayang sirain ng Pangulo at maghasik ng lagim sa mismong siyudad at sa mga mamamayan nito na minahal, inalagaan, at prinotektahan nya ng higit dalawang dekada para lang makapag-deklara ng Martial Law?
Sa dami po ng mga patayan (a.k.a. ejk) na ibinibintang ng walang pakundangan sa gobyerno ngayon, dyan pa lang po ay maari na niya itong ideklara. Hindi kailangang magpasabog pa para lang makapag deklara ng State of Lawlessness o ng Martial Law.
At habang abalang-abala po kayo sa pagkutya sa gobyerno at pagyurak sa mga DavaoeƱo (sa halip na makisimpatiya), nais ko'ng ipaalam na inangkin na po ng teroristang Abu Sayaf ang nasabing malagim na pagpapasabog sa Davao.
Kung totoo nga na ang ASG po ang nasa likod nito, ito po ay isang retaliation at malinaw na diversionary tactic ng nasabing grupo gawa ng pinalakas na military operation ngayon laban sa nasabing terrorist group.
At kung ito man ay kagagawan ng ibang grupo or ASG-in-disguise at sindikatong nais maghasik ng lagim para matigil ang pinaigting na kampanya laban sa droga, o ng mga politikong kasalukuyang iniimbestigahan, o ng mga naglalakihang negosyo na tinatamaan ng bagong gobyerno, ipanalangin nating mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ilan nating mga kababayan at magbayad ng mahal ang sino mang tunay na nasa likod ng karumal dumal na krimeng ito.
Kung maaari sana ay isantabi nyo muna ang inyong personal na agenda o haka-haka at unahin po muna natin ang kapakanan ng ating bayan at kapwa mamamayan. Magkaisa muna laban sa terrorismo.
Again, whatever your color or political party affiliation, whatever the size of your brain or the length of your dick, for once, please set aside your personal interests or biases and let us stand united against our common enemy--that is, terrorism.
***
No comments:
Post a Comment